Menu

SCHOOL HISTORY

Ang bayan ng Paranaque ay ang siyang pinakamalaking bayan sa lalawigan ng Rizal. Bilang isang maunlad na lugar, ito rin ay nagiging maunlad sa larangan ng edukasyon. Bago pa man sumiklab ang digmaan, ang Paranaque ay may anim na paaralang pampubliko na tumutugon sa pangangailangan ng bawat isa na matuto at magkaroon ng talino. Ngunit sa baryo ng La Huerta, ang puso ng bayan, hindi naging madali sa mga naninirahan dito ang magkaroon ng pagkakataong makapag-aral. Marami sa mga kabataan dito ay hindi nakapagkamit ng libreng pag-aaral. Tanging mga kabataan mula sa mariwasang pamumuhay ang siyang nakapapasok sa mga paaralang nasa ibayong baryo o nasa syudad ng Maynila upang makapag-aral.

Dahil sa suliraning ito, napukaw ang damdamin ng kasalukuyang punong bayan ng taong iyon. Naging masigasig si Punong Bayan Nicanor F. Cruz na magkaroon ng pambaryong paaralan sa La Huerta na tutugon sa pangangailangan ng mga kabataan. Ngunit, dahil sa digmaan, hindi naging madali sa punong bayan ang pagtatayo ng paaralan. Agad siyang nagpatawag ng mga pagpupulong sa mga mamamayan at inilahad ang nasabing proyekto. Marami ang tumututol ngunit hindi ito naging hadlang upang maisakatuparan ang pagtatayo ng nasabing paaralan. Ginawa at ibinuhos ni Punong bayan Nicanor F. Cruz ang lahat ng kanyang makakaya upang maitatag ito para sa kapakanan ng mga kabataan. Sa tulong ng Kinatawan Ignacio Santos Diaz, na nagkaloob ng Php 10,000.00 halaga mula sa kanyang Congressional Park Barrel Fund, naitatag ang isang pambaryong Paaralan: Ang Paaralang Elementarya ng La Huerta.

Sa kasalukuyan, sa tulong at suporta ng Punong Lungsod Edwin L. Olivarez at Kinatawan Eric L. Olivarez, ang pagpapalaganap ng edukasyon ay patuloy na pinakikilos ng mga guro at kawaksi ng paaralan sa pamumuno ni Dr. Genie-Ann T. Santos.

SCHOOL FACILITIES

SCHOOL PILLARS

GENIE-ANN T. SANTOS, PhD

Principal IV
2019 to Present

DEPED LINKS

CONNECT WITH US

SOCIAL MEDIA

OUR LOCATION